Sabado, Mayo 17, 2014

Pag nasaktan ka sa pag-ibig, oras lang ang katapat niyan. Hindi band aid, alcohol o cotton balls. Paglipas ng panahon ang kinakailangan para magamot ang sugat. Ika nga nila diba "Time heal all wounds".

Pag nasaktan ka sa pag-ibig parang hindi lang isang pasa ang nakuha mo, hindi lang isang suntok ang natamo mo at hindi lang isang sampal ang dumampi sa pisngi mo. Marami. At bugbug na rin ang puso mo. Walang kang magagawa kasi nangyari na. At kahit gustuhin mo man na ibalik ang dati hindi mo na magagawa.Bakit may time machine k aba para gawin ito? Mahal mo nga pero hindi ka naman mahal. Mahal mo nga kaso naghanap ng iba. Mahal mo nga kaso di ka tanggap. Mahal mo nga hindi ka naman maintindihan. Tanong ko lang ganyan ba talaga ang totoong pag-ibig?

Ano nga ba ang pag-ibig? Kaya ba itong bigyang depinasyon? May tama bang salita para ilarawan kung ano ito? Wika nila ang pag-ibig ay walang sinasaktang iba. Hindi ito makasarili. At kaya nitong itama ang pagkakamali ng kahapon. Kung nasaktan ka dahil sa pag-ibig tama na bang ikulong mo ang sarili sa nakaraan? Kung akala mo ay nakatagbo mo na taong para sayo pero nasaktan ka lang, talaga bang siya ng karapat-dapat sa pagmamahal mo?

Maraming tanong, pero hindi ito dali-daling nasasagot. Pagnasaktan ka, pakiramdam mo wala ng saysay ang buhay mo, hindi mo na kayang magmahal pa at sa kanya lang umikot, umiikot at iikot ang mundo mo ngunit hindi mo madidiktahan ng tadhana, mapaglaro ito. Minsan kung kailan hindi mo inaasahan ay doon dumadating ang taong nararapat sayo.

Hayaan mong gamutin ng panahon ang sugat. Magkibit balikat ka naman minsan. Matutu kang bumitaw, lalo na sa mga bagay na nagpapasakit sayo. Wag mung ipilit.. Nasusukat ang katatagan ng isang tao sa pagbitiw nila sa mga bagay na mahal nila ngunit alam nilang kailangan na itong bitiwan at pakawalan.

Bago mo magawang pakawaan ito ng buong puso, kailangan mo munang maintindihan ang salitang 'pagtanggap', Siguro nga meron tayong kanya-kanyang kahulugan sa pag-ibig , at para sa akin makikita mo ang totoong pag-ibig sa isang taong magiging lakas mo sa mga panahong akala mo hindi mo na kaya at wala ka nang lakas ng loob para ipagpatuloy ang isang bagay at kaya mo ring maging lakas niya sa mga panahong hinang-hina na siya. Walang perpektong tao at lalong walang perpektong relasyon pero nagiging perpekto lamang ito kung tanggap niyo ang isa't isa. Tanggap niyo ang bawat kahinaan at lakas.


Kaya kong masasaktan ka man sa pag-ibig, at alam mong ginawa mo na ang parte mo, hayaan mong gawin naman ng panahon ang parte nito. Darating at darating din ang taong karapat dapat sa iyo. Lumuluha ka man ngayon, ngingiti at sasaya karin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento