Sabado, Setyembre 28, 2013

Bakit nga ba mahirap ang buhay?

Eh, sino bang may sabi na madali lang ito? Kahit sino man sa atin ay may problema na kinakaharap, may takot na ayaw harapin, lungkot na ayaw madama, kasiyahana na gustong matamo at pag-asa na nais makita. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang problema na gustong masolusyonan ngunit sa bawat araw na  ginawa ng Panginoon ay may bagong pag-asa rin na nakalaan sa atin upang mabigyang solusyon ang ating mga pasan sa buhay. Huwag nating aksayahin ang ating panahon sa pagmumuni-muni kung bakit mahirap ang buhay bagkus isaisip natin na ang hirap na ating nararanasan ngayon ay isa lamang paraan upang mas maging matatag at matapang tayo sa buhay. Hindi lang naman sayo mahirap at marahas ang buhay , hindi lang ikaw  ang may problema. Manalig lang tayo sa Itaas at tiyak hinding hindi niya tayo papabayaan at iiwan sa ating paglalakbay sa mundong ibabaw at sa ating buhay.
                                                               
                                                                               Lory :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento